Advertisers

Advertisers

Lalaki, patay sa pamamaril sa Tondo

0 224

Advertisers

KAAGAD na nasawi ang isang lalaki sa pamamaril sa kahabaan ng Gate 13 ng Parola Compound sa Tondo, Maynila.

Kinilala ng Manila Police District ang biktima na si Reymart Ferrer alyas “Dude”, 25 anyos.

Nangyari ang pamamaril 2:30 ng madaling-araw nitong Linggo.



Huling nakita ang biktima na may kausap sa kanyang cellphone at nakipagtagpo sa lugar kungsaan siya pinatay.

Nakarinig ang mga residente ng dalawang putok ng baril, pero hindi nila namukhaan ang salarin dahil brownout sa lugar mula 10:00 ng gabi ng Sabado hanggang 3:00 ng madaling-araw kinabukasan.

Napag-alaman na ilang beses nang nakulong ang biktima dahil sa iligal na droga.