Advertisers

Advertisers

Bagong mga motorsiklo mabibigyan ng 3-year registration validity simula Mayo 15 – LTO

0 93

Advertisers

INIHAYAG ng Land Transportation Office (LTO) na magiging saklaw na rin sa 3-year registration validity ang bagong mga motorsiklo na may engine displacement na 200cc pababa.

Ayon kay LTO chief JayArt Tugade na ang hakbang na ito ay naglalayong mapabilis ang pagproseso at makapagbigay ng karagdagang kaginhawahan sa publiko lalo na ngayong nagiging popular at isang maginhawang paraan ng transportasyon ang motorsiklo.

Ang bagong inisyatibo ay epektibo sa Mayo 15 ngayong taon.



Matatandaan na ang tatlong taong validity ng pagpaparehistro ay sumasaklaw lamang sa mga motorsiklo na may engine displacement na 201cc pataas dahil sa mga isyu sa road worthiness.

Gayunpaman, batay sa mga pag-aaral na isinagawa, nagpasya ang LTO chief na magbigay ng tatlong taong validity ng pagpaparehistro ng sasakyan saklaw ang mga motorsiklo na may engine displacement na 200cc pababa.

Paliwanag ni Tugade na walang nakikitang problema sa road worthiness ng mga motorsiklo sa loob ng tatlong taon dahil bago ang mga ito.