Advertisers

Advertisers

DENTISTA HINOSTAGE SA KLINIK!

0 129

Advertisers

Nakorner ng Philippine National Police (PNP) ang isang hostage taker at nailigtas ang biktima sa Umisem Dental Clinic, Paragas Building, Brgy. Calvo, Pangasinan nitong Sabado.

Kinilala ang biktima na si Dra. Kimberly Aquino Ragudo, 44.

Sa ulat mula sa Pangasinan Police Provincial Office, kinilala ang hostage taker na si Gerardo Placido Paquiz, 46, guwardiya at residente ng Brgy. Caoile-Olegario, Mangatarem.



Ayon sa report, pumasok si Gerardo sa Umisem Dental Clinic at nagpanggap na pasyente at mabilis niyang sinunggaban ang biktima at tinutukan ng kutsilyo sa leeg.

Nang makatakas ang isang pasyente ng nasabing dental clinic, agad na tinawag nito ang atensyon ng pulisya at tumugon sa nasabing lugar.

Sinubukan ng pulisya na makipag-ayos at patahimikin ang suspek.

“Nakatutok sa leeg ni doktora ang kutsilyo at ayaw bumitaw ng suspek, pero nagkaroon ng tsansa na matutukan ang guwarda at makuha ang kutsilyo,” ani Major Arturo Melchor Jr, chief of police.

Nagtamo ng minor injury sa leeg ang biktima at dinala sa Mangatarem District Hospital at kalaunan nakalabas din.



Nasa kustodiya na ng Mangatarem Police ang suspek at ang ginamit nitong weapon. Inihahanda na rin ang mga kaukulang kaso laban dito.

Paghihiganti ang lumalabas na motibo ng suspek sa ginawa nitong pang-ho-hostage sa doktor.