Advertisers
Umaabot sa P720,000 ang halaga ng ipinagbabawal na gamot ang nasamsam sa isang estudyante sa isinagawang drug buy-bust operation ng awtoridad sa Brgy. Andres Bonifacio, Diffun, Quirino.
Kinilala ang suspek na si Ryan Cabrina Butchayo Jr., alyas Eng-eng (High Value Target-HIO), binata, 22-anyos at residente ng Brgy. Lutuad, Diffun, Quirino.
Nasamsam sa ikinasang operasyon ang isang bote na naglalaman ng marijuana oil na tinatayang nagkakahalaga ng P1,800; dalawang (2) piraso ng self-sealing transparent plastic sachets na naglalaman ng dried marijuana; dalawang (2) pakete ng dahon ng marijuana na nakabalot ng kulay brown na papel; at isang pakete ng marijuana leaves.
Narekober rin mula sa suspek ang apat (4) na bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng Php720,000; isang unit ng cellular phone; isang pitaka; isang backpack at ang ginamit na buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.