Advertisers

Advertisers

Ex-con itinumba habang brownout

0 98

Advertisers

Patay ang 25 anyos na ex-convict nang pagbabarilin ng taong posibleng pinagkakautangan umano nito sa droga Linggo ng madaling araw sa may Gate 13, Parola, Barangay 20 sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni PSSg Vandiel Nikko Banzon, imbestigador ng Manila Police District-Police Station 12, ang biktimang si Raymart Ferrer y Sandoval, alyas Dode, miyembro ng Commando Gang at taga-Gate 12, Parola.

May tama ito ng bala sa ulo at katawan.



Sa imbestigasyon, 2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar habang brownout.

Bago ang insidente, may kausap umano sa kanyang cellphone ang biktima hanggang sa ipinasiya nitong makipagkita sa suspek.

Nagkataon na may naka-iskedyul na power interruption sa lugar nang mangyari ang insidente.

Nakarinig na lamang umano ng dalawang putok ng baril ang mga residente.

Tinitingnang anggulo sa krimen ang utang sa iligal na droga ng biktima sa suspek. Una umanong nakulong ang biktima dahil sa pagbebenta ng shabu.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">