Advertisers

Advertisers

Hangin sa Ere at Air!

0 234

Advertisers

Bigla na naman nasa balita ang diumano’y bentahan ng laro lalo na sa PBA.

Mangyari natalo ang llamadong Ginebra sa TNT nitong nakaraang Finals ng propesyunal na liga. Tapos may ulat na may iniimbestigahan na isang Sinagporean sa kanilang sa city-state hinggil sa parehong isyu pero matagal na nangyari ang akusasyon. Pati sa ibang bansa may mga alagad na ang mga mandaraya dito sa atin. Hala!

Talaga naman may nagaganap na ganitong modus. Maraming nakakaalam nguni’t wala naman umaamin.



Nagsisimula pa nga ang mga sindikato sa player sa kolehiyo at dahil hawak na nila sa leeg ay sige pa rin ang grupo hanggang umakyat sila sa professional ranks.

Unang resulta sa atin noon ay nasuspindi sina Danny Florencio at Rudolf Kutch ng Crispa. Tapos may mga nabaril o nasangkot sa barilan gaya nina Mac Baracael ng FEU at ang Fil-Am na si Ali Peek.



Parati na lang sumusulpot ang kontrobersya nguni’t mga basketbolista lang ang may parusa o tinatamaan. Walang malaking isda o big boss na nadadale kaya hindi ito nawawala. Nandiyan lang sila at kumikita. Ayaw kumanta ng mga kasapakat.

Eka ni Tata Selo ay ganire. Parang yung umutot ay alam ng lahat mayroon, kaso hindi tukoy kung sino. Hehe.



Masamang hangin na dumaan baga.

***

Nasiyahan si Aling Barang sa pelikulang Air na napanood niya kamakailan sa Ayala Cinemas. Maganda daw ang istorya at magaling ang pagkadirek kaya rekomendado niya sa mga tropa sa kanyang pondahan.

Kwento ito ng isang taga-Nike na unang nakapansin ng greatness ni Michael Jordan. Bukod sa ina ni MJ ay si Sonny Vaccaro na noo’y konektado sa kumpanya ng sapatos ang nakapansin ng malaking potensyal ng His Airiness.

Mga karakter daw sa movie ay mahahangin o mayayabang pero nagkasundo sila sa dulo.

Hindi raw talaga kasali sa mga gumanap si Jordan at puro nakatalikod o anino lang ang napanood sa big screen.

Baka mahal ang talent fee kung sakali.

Makabili nga ng tiket at nang malaman natin ang detalye kung paano ang isang hindi pa aktuwal na nakalaro sa NBA ang nagbago ng basketball shoe industry at sports marketing sa buong mundo.

Ito rin marahil ang achievement ni Michael na hindi napapantayan ninuman hanggang ngayon.