Advertisers

Advertisers

Lalaki lumipad sa rooftop ng iskul

0 150

Advertisers

Patay ang isang lalaki nang tumalon mula sa rooftop ng gusali ng eskuwelahan sa Cabuyao City, Laguna nitong Linggo ng umaga.

Batay sa pahayag ng isang naksaksi, umakyat ang biktima sa 4-storey school building ng Citi Global College na nasa Barangay Uno, sa pamamagitan ng pagdaan sa fire exit steel ladder .

Pagdating sa rooftop, biglang tumalon ang lalaki na hindi na lamang pinangalanan.



Padapang bumagsak ang lupa ang lalaki at agad binawian ng buhay dahil sa mga grabeng pinsala sa katawan.

Sinabi ng mga magulang ng biktima sa pulisya na nakakaranas ang biktima ng matinding emotional stress na posible nagtulak dito tapusin ang kanyang buhay.

Kaugnay nito, naglabas ng official statement ang administrasyon ng naturang paaralan.

“The school management would like to inform all concerned individuals that the suicidal case circulating online which happened in VCB building is Not a student but rather a male “outsider” who intruded the school premises early today prior to school/office hours.

“We are one with the bereaved family of the man who took his own life today. Hence, office transactions/classes/examinations were immediately suspended in CGC Cabuyao as we gave way to the police investigation,” bahagi ng statement ng paaralan.



Hiling din ng CGC na iwasang magpakalat ng maling impormasyon at ipagdasal na lamang ang yumao pati na ang pamilya nito.