Mag-mask sa crowded at enclosed areas – Mayora Honey
Advertisers
UMAPELA si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga residente ng lungsod na laging magsuot ng face mask sa crowded o enclosed areas.
Ang panawagan ni Lacuna ay kaugnay ng impormasyon na may mga probinsya na nasa Alert Level 2 dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID kamakailan.
“Patuloy po tayong mag-ingat. Magsuot po tayo ng face mask lalo na sa mga enclosed areas. Mabuti na ‘yung nag-iingat kesa magsisi sa bandang huli,” sabi ni Lacuna.
Hnimok din ng lady mayor ang lahat ng kawani ng pamahalaang lungsod na samantalahin ang free annual checkup na binibigay ng city government.
Ang city government employees’ clinic (CGEC) ang siyang nag-aasikaso ng city employees na nasa listahan at naka-schedule base sa department, bureau o tanggapan kung saan siya nabibilang.
Binigyang diin ng alkalde na ang kalusugan ng mga kawani ay mahalaga sa lokal na pamahalaan ng Maynila dahil naniniwala ito na ‘charity begins at home’ at ang malusog na populasyon ay nangangahulugan ng mas mahusay na paghahatid ng pangunahing serbisyo sa mga residente.
Pinaalalahanan din ni Lacuna na isa ring doktor ang mga residente na maging maingat dahil sa init ng panahon.
“Wag nyo ho kalilimutan to hydrate yourselves. Hydrate nang hydrate,” pahayag ng alkalde makaraang paiiksiin ang kanyang mensahe sa regular flagraising ceremony dahil sa sobrang init.
Sa nasabing pagtitipon ay inanunsyo ni Lacuna ang 10 Sangguniang Kabataan councils sa lungsod na nagkaroon ng mga makabuluhan at natatanging programa para sa ikabubuti ng kanikanilang barangay. (ANDI GARCIA)