Advertisers

Advertisers

Sundalong tumutugis sa NPA, nalunod!

0 123

Advertisers

Nalunod ang isang sundalo sa ilog sa kasagsagan ng misyon laban sa New People’s Army sa Gattaran, Cagayan nitong Huwebes.

Kinilala ni Major Rigor Pamittan, tagapagsalita ng Army 5th Infantry Division, ang biktima na si Private Raymund Mones, 23, ng Barangay Unzad, Villasis, Pangasinan at miyembro ng Special Forces Unit of the Armed Forces of the Philippines (AFP).

Inilahad ni Pamittan na tumatawid ng ilog ang biktima kasama ang kanyang unit nang madala ng malakas na agos ng tubig.



Nasa ilalim ng operational control ng Army 5th ID ang unit ng biktima na nakatalagang tumulong sa pinaigting na kampanya laban sa Komiteng Rehiyon Cagayan Valley ng NPA.

Dinala ang mga labi ni Mones sa kanyang tirahan sa Villasis.