Advertisers

Advertisers

Unyonista sa BPO industry pinatay

0 128

Advertisers

BANGKAY na nang matagpuan ang ilang araw nang nawawalang progresibong organisador ng mga empleyado ng business process outsourcing (BPO) sa Visayas.

Ito ang inihayag ng grupong BPO Industry Employee’s Network (BIEN) Pilipinas, isang grupong kilalang nag-oorganisa ng unyon at asosasyon ng mga call center agents atbp., patungkol sa kinasapitan ng miyembro nilang si Alex Dolorosa.

“We received reports that our paralegal officer in Bacolod City, Alex Dolorosa, was found dead with multiple stab wounds yesterday,” ayon sa BIEN. “He was reported missing for three days and local reports confirmed he was killed in Barangay Alijis, Bacolod City.”



Kritikal ang naturang grupo sa administrasyon at kilala sa pagsusulong ng karapatan ng mga manggagawa sa sektor ng BPO, na siyang lumaganap sa Pilipinas sa pag-a-outsource ng mga dayuhang kumpanya ng mas murang lakas-paggawa sa Pilipinas.

Kamakailan lang nang manawagan sila ng P31,000 national entry-level wage para sa BPO industry habang itinutulak na karapatang pantao ang karapatan sa paggawa.

Sinasabing nasa P18,000 kada buwan ang kita ng BPO workers lalo na’t nagpapababaan daw ang mga kumpanya ng sweldo upang makaengganyo ng foreign investors, sabi ng grupo.