Advertisers

Advertisers

Kamara sinimulan na ang imbestigasyon sa P6.7B shabu haul

0 111

Advertisers

SINIMULAN na nitong Miyerkules ng House Committe on Dangerous Drugs ang imbestigasyon tungkol sa kontrobersyal na pagkakahuli ng 990 kilos na shabu na may halagang P6.7 billion kung saan sangkot ang ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police.

Kabilang sa inimbestigahan sa ginanap na Committee hearing ay ang kapulisan na nakita sa mismong video footage ng crime scene o ang mismong nagsagawa ng drug bust operation sa WPD Lending office sa A. Bonifacio Street Tondo, Manila noong October 8, 2022.

Si dating Police Master Sergeant Rodolfo Mayo Jr. ang may-ari ng nasabing lending office kung saan nasabat ang 990 kilos na shabu ay inimbitahan din sa committee hearing.



Ayon kay Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers, lahat ng witnesses maging ang sangkot sa kaso ay may karapatan sa kanilang sariling desisyon at kwento.

Samantala, pinagsasalaysay naman ng mga mambabatas si Police Captain Jonathan Sosongco ang head ng Philippine National Police Drug Enforcement Group, Special Operations Unit Region 4A patungkol sa mismong nangyari noong drug bust operations.

Aniya, humihingi umano siya ng advice sa prosecutor ng kaso kung ano ang posibleng maging resulta ng kaso kung sakaling magkaroon ng misconception dito.