Advertisers

Advertisers

4 pasahero patay, 2 kritikal sa tumagilid na shuttle van

0 152

Advertisers

Nasawi ang apat na pasahero habang kritikal ang kalagayan ng dalawang iba pa sa aksidente sa daan sa Puerto Princesa City, Palanwan nitong Linggo.

Sa ulat, sumalpok sa gilid ng kalsada ang isang shuttle van at tumagilid sa bahagi ng highway sa Barangay Sta. Lucia.

Ayon sa ulat, galing ang van sa bayan ng Quezon sa katimugang bahagi ng Palawan at papunta sa Puerto Princesa City.



Dadag ng ulat, 11 ang nasa shuttle van na may 10 pasahero at pang 11 ang driver nito.

Nadulas umano ang unahang gulong ng sasakayan dahil na rin umano sa mga pag-ulan at nawalan ng kontrol ang drayber hanggang sa sumalpok ang van sa gilid ng kalsada at tumagilid.

Isinugod ang dalawang sugatan sa isang ospital sa Puerto Princesa.