Advertisers

Advertisers

75 PDL SA BUCOR, BENEPISYARYO NG ‘TUPAD PROGRAM’ NG GOBYERNO

0 180

Advertisers

PITUMPUT LIMANG Persons Deprived of Liberty ( PDLs) mula sa Bureau of Corrections (BuCor) ay kabilang sa mga benepisyaryo ng Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/ Displaced Worker (TUPAD) program ng gobyerno sa 2023 Labor Day Celebration na ginanap ngayong araw sa SMX Convention Center sa Pasay lungsod.

Panauhing pandangal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kasama sina Bureau of Corrections (BuCor) Dir. Gen. Gregorio Pio P. Catapang, Jr. at DOLE Secretary Bienvenido Laguesma nang ibigay sa mga PDL at kanilang pamilya ang certificate of eligibility.

Sila ay kabilang sa 1,876 na benepisyaryo ng TUPAD program sa ilalim ng Department of Labor and Employment.



Ang nasabing activities ay bahagi ng DOLE Labor Day Celebration na may temang “ Pabahay, Abot Presyo, Benipisyo ng Matatag na Trabaho Para sa Manggagawang Pilipino.”

Bukod dito ay nag-aalok din ang DOLE ng 12,000 trabaho mula sa 125 employer sa SMX main jobs fair site.

Napag-alaman sa DOLE na mayroon umanong 73,779 job opportunities ang naghihintay sa mga ‘jobseekers’ sa buong bansa sa Araw ng Paggawa. (JOJO SADIWA)