Advertisers

Advertisers

KADAKILAAN, KABAYANIHAN NG MGA MANGGAGAWANG PINOY KINILALA NG PANGULO

0 151

Advertisers

KINILALA ni Pres. Ferdinand Marcos Jr. ang pagsisikap ng mga manggagawang Pilipino.

Sa kanyang mensahe sa ginanap na 121st Labor Day Celebration sa SMX Convention Center, Mall of Asia Complex sa Pasay City nitong Linggo, Abril 30, binanggit ng Presidente na nararapat na kilalanin ang kadakilaan at kabayanihan ng manggagawa bilang aniya’y sandigan ng ekonomiya na siya ring sentro o tema ng pagdiriwang ngayong taon.

“Bilang simbolo ng ating pagkilala at pagkalinga sa mga manggagawa, handog namin ang mga munting programa…Kasabay natin po ngayon, kasalukuyan ding may pagdaraos ng ganitong programa sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas,” pahayag ng Pres. Marcos.



Ipinagmalaki ni PBBM ang 50,000 na hanapbuhay sa buong bansa na dala-dala ng job fair sa SMX sa pangunguna ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan 12,000 ng mga trabahong naturan ay nasa Metro Manila.

Ayon kay Pangulong Marcos, inilatag ang Kadiwa ng Pangulo para sa mga manggagawa na napatunayan na aniya sa kakayahan nitong gawing mas mababa ang presyo ng bilihin at tulungan ang kapakanan ng mga magsasaka, mangingisda, at mga Micro-Small and Medium-sized Enterprises (MSMEs) o maliliit na negosyo.

Maliban dito, ibinida rin ng Presidente ang paglagda sa ilang kasunduan hinggil sa pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan upang pangalagaan ang kapakanan ng manggagawa.

Nabatid na ilan sa mga agreement na ito ay tungkol sa pagpapalawig ng mga programang pang-negosyo, panghanapbuhay, at pabahay ng pamahalaan para sa mga manggagawa.

Binigyang diin naman ni Pres. Marcos na hindi kailanman magpapabaya ang pamahalaan sa larangan ng paggawa at empleyo, lalo na sa ilalim ng kanyang liderato, habang nangako rin ito ng proteksyon para sa labor sector na mananatili aniyang pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon. (GILBERT PERDEZ)