Advertisers
Nasawi ang isang ginang nang tagain ng mister na isang dating pulis nang magtalo sa Zambonga City.
Kinilala ang biktima na si Nasra Jamih Tikbuan, 36; habang nakatakas ang mister nito na si Zaldy Jama Tikbuan, 50, ret. policeman at kapwa naninirahan sa Sampaloc Dr., Baliwasan Chico, Barangay Baliwasan, Zamboanga City.
Ayon kay Maj. Shellamie Chang, spokesperson ng PRO9, 6:30 ng umaga nang maganap ang pananaga sa banay ng mag-asawa sa Sampaloc Dr. Baliwasa Chico, Brgy. Baliwasan, Zamboanga City noong April 28, 2023.
Nabatid na nagkaroon ng diskusyon ang mag-asawa sa ‘di nabatid na dahilan sa loob ng kanilang kuwarto na humangtong sa mainitan ang pagtatalo.
At napikong ang mister na kumuha ng itak at tinaga ang asawa sa leeg na ikinasawi noong din.
Mabilis naman tumakas ang salarin matapos ang insidente.
Patuloy naman ang pagtugis ng mga otoridad laban sa suspek habang patuloy ang isinasagwang imbestigasyon sa nasabing insidente.(Mark Obleada)