Advertisers
OPISYAL na pumalit bilang tagapag-alaga ng gobyerno si Bise Presidente at Kalihim ng Edukasyon na si Sara Duterte sa pag-alis ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at ng kanyang delegasyon para sa opisyal na pagbisita ng punong ehekutibo sa Estados Unidos nitong Linggo.
Bilang caretaker ng bansa, pansamantalang uupo muna si Vice President Sara para pangalagaan ang administrasyon at gampanan ang ibang tungkulin.
Sa departure speech ni Pangulong Marcos ay naroroon sina Vice President Sara, dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at miyembro ng kaniyang gabinete, First Lady Liza Araneta-Marcos, AFP Chief of Staff General Andy Centino, major service commanders, Philippine National Police Chief General Benjie Acorda, at Philippine Coast Guard Commandant Admiral Abu. (Vanz Fernandez)