Advertisers
Nasagip ang 28 indibidwal habang apat ang nawawala nang lumubog ang isang Dive Yacht sa katubigan sakop ng Tubattaha, Palawan nitong Linggo ng umaga.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), 6:49 ng umaga nang makatanggap ng impormasyon mula sa Coast Guard District Palawan kaugnay sa lumubog na M/Y Dream Keeper.
Agad ipinadala ng PCG ang BRP Melchora Aquino (MRRV -9702) upang magsagawa ng SAR operations.
Tumulong din ang Coast Guard Sub-Station Tubattaha sa nasabing operasyon kasama ang iba pang dive boats sa lugar .
Ayon kay PCG spokesperson Commandant Armand Balilo, kabuuang 32 ang sakay ng Yate kabilang rito ang 15 crew; 12 passenger/guest at 5 dive master.
Ikatlong maritime incident ang nangyari sa loob lamang ng isang Linggo.(Jocelyn Domenden)