Advertisers
IIMBESTIGAHAN na ng National Intelligence Coordinating Agency o NICA ang power outage sa NAIA 3.
Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista, partikular na sisilipin ng NICA ang anggulong sabotahe dahil nangyayari ang mga aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 3 sa tuwing holiday.
Noong September 2022 at nitong January 1 kasi unang nagkaroon ng power failure sa NAIA 3 kung saan libu-libo ring mga pasahero ang naapektuhan.
Ayon kay Bautista, kinausap na nila ang NICA para magsagawa ng imbestigasyon sa aberya kanina.
Sa kabila nito, aminado ang kalihim na malaki-laking trabaho at pondo ang kakailanganin para maisaayos ang elektrisidad sa NAIA 3.
Sinisilip naman ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang anggulong dumadami na ang nagkokonsumo ng kuryente sa paliparan kaya maaaring hindi na kinayang suplayan ng elektrisidad.
Partikular ang pagdami ng concessionaires ngayon na naglagay ng mga negosyo sa loob ng paliparan.