Advertisers

Advertisers

Bulkang Kanlaon muling nag-alboroto

0 121

Advertisers

NAG-ALBOROTO ang bulkang Kanlaon makaraang maitala ang limang (5) volcanic earthquake sa paligid nito iniulat kanina ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Nabatid sa Phivolcs bukod sa pagyanig nakataas sa alert level 1 ang paligid ng bulkang Kanlaon.
Ayon sa Phivolcs na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng sino man sa apat na kilometrong (4 km) radius Permanent Danger Zone o PDZ.

Ipinagbabawal din ng ahensya ang pagpapalipad ng anumang uri ng aircraft malapit sa tuktok ng bulkan dahil sa banta ng pagputok ng bulkan.



Ang bulkang Kanlaon ay itinuturing na aktibong bulkan dahil sa mga nakalipas nap ag-aalboroto nito na matatagpuan sa lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental. (Boy Celario)