Advertisers

Advertisers

5 sangkot sa Salilig hazing naghain ng petition for bail

0 123

Advertisers

NAGHAIN ang limang akusado sa pagkamatay ni Adamson University student John Matthew Salilig ng ‘petition for bail’, base sa prosecution panel nitong Miyerkules.

Iniulat ng panel of prosecutors na nakatakda sa May 17 ang unang pagdinig sa petition for bail.

Inihayag ito ng prosecutors matapos ang pre-trial hearing ng kaso sa Biñan Regional Trial Court Branch 155 nitong Miyerkules ng umaga.



Nitong April 12, naghain ng ‘not guilty’ plea sa hazing charges ang lahat ng akusado at naghain ang isa ng ‘petition for bail’.

Inihain ang reklamong paglabag sa Anti-Hazing Law laban kina Tau Gamma Phi fraternity members Earl Anthony Romero, Jerome Balot, Sandro Victorino, Michael Lambert Ritalde, Mark Pedrosa, master initiator Daniel Perry, at grand triskelion Tung Cheng Teng.

Noong February 28, natagpuan ang bangkay ni Salilig, 24 anyos, na nakalibing sa isang bakanteng lote sa Imus, Cavite 10 araw nang maiulat itong nawawala.