Advertisers

Advertisers

Dating ‘asset’ ng NBI tinodas

0 161

Advertisers

NASAWI ang isang dating NBI force multifplier nang pagbabaril ng riding in tandem sa isang subdibisyon sa Pandi, Bulacan.

Kinilala ang biktima na si Marvin Dela Cruz, 44 anyos, dating NBI force multiplier, ng Barangay Cacarong Bata; habang hindi nakilala ang dalawang naka-bonet na mga salarin.

Sa report, nangyari ang pamamaril sa harapan mismo ng bahay ng biktima Lunes ng gabi, Mayo 1, sa Padre Pio, Brgy. Cacarong Bata.



Nakaupo sa harapan ng bahay ang biktima nang lapitan ng isa sa mga salarin at pagbabarilin.

Tinamaan ang biktima sa ulo na agarang ikinamatay nito, habang tumakas ang mga salarin lulan ng Yamaha Mio motorcycle.

Nasa apat na basyo ng bala ng kalibre .45 at deformed slug ang nakita ng mga awtoridad sa crime scene.

Sinasabing ilan sa posibleng dinaanan ng mga salarin ang mga lagusan papuntang Bustos at Angat.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon at nangalap ng CCTV footages ang pulisya para matukoy ang mga salarin.(Thony Arcenal)