Advertisers

Advertisers

Ex-DJ kulong sa sextortion

0 139

Advertisers

DINAKIP ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating radio disc jockey (DJ) sa pamba-blackmail sa isang babaeng call center agent para makipagtalik sa kanya nitong Lunes, Mayo 2.

Pansamantalang itinago ang pangalan ng dating DJ at hindi rin ito nagbigay ng anumang dahilan para i-redact ang kanyang pangalan sa press statement nito.

Sa report, inaresto ng mga ahente ng NBI-Western Visayas Regional Office ang 57-anyos na suspek noong Abril 17 sa isang motel sa La Paz, Iloilo City kungsaan nahuli nitong dinala ang babaeng complainant.



“The arrest stemmed from a complaint by a female call center agent who had a dating relationship with the subject. Unknown to the complainant, the subject took pictures of her naked body and video recorded their sexual encounters discreetly and without her consent,” ayon sa NBI.

Nagreklamo ang biktima sa NBI-WEVRO Abril 17 dahil sa patuloy na pananakot sa kanya ng suspek sa pamamagitan ng pagpapadala ng apat na video clips ng kanilang sex video at nagbabanta na ipo-post ito sa mga website ng pornograpiya.