Advertisers

Advertisers

MARCOS NAKIPAGPULONG SA USPS

0 131

Advertisers

MULING nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa United States-Philippines Society (USPS).

Ito ang ikalawang pagkakataon na nakapulong ni PBBM ang USPS matapos ang unang pakikipagtipon niya sa organisason na nangyari sa Pilipinas nitong Enero ngayong taon.

Ayon kay Presidential Communications Office Sec. Cheloy Garafil, nakatuon ang USPS sa pagsulong ng kooperasyon ng dalawang bansa sa negosyo at pamumuhunan sa pamamagitan nang pag-oorganisa ng mga public forum para sa mga embahada ng magkabilang panig at iba pang kaugnay na grupo at ahensya.



Bukod kay PBBM, nakiisa rin sa “meet and greet” si Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople at mga employer sa Estados Unidos upang palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa pagdating sa trabaho at talakayin ang mga isyu kaugnay ng mga manggagawang Pilipino sa Amerika. (GILBERT PERDEZ)