Advertisers

Advertisers

Pagbisita ni PBBM sa US sinalubong ng protesta ng ilang grupo

0 199

Advertisers

SINALUBONG si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng malawakang welga sa harap mismo ng White Hose sa Washington D.C. sa America.

Nagkaroon din ng kilos protesta sa iba’t-ibang lugar sa Washington D.C. tulad sa harap ng Philippine Consulate; sa Ritz-Carlton Hotel at sa La Fayette Park.

Maririnig ang mga Filipino-Americans na sumisigaw na “You’re Not Welcome Here”!, patungkol kay Pangulong Marcos.



Isa din sa mga isyu ng mga rallyista ang “Condemn Joint US-PH Military Exercises”, kaugnay sa Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA dito sa Pilipinas.

Sinuportahan ang naturang kilos protesta ng Malaya Chicago, Anakbayan Chicago at UIC at ng Chicago Committee for Human Rights in the Philippines (CCHRP).

Nanawagan ang mga nagprotesta na wakasan ang lahat na hindi pantay na kasunduang pang – ekonomiya sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.

Hinihiling din ng mga nagwelga na igalang ang soberenya ng Pilipinas at paalisin ang mga sundalong Amerikano na nasa Pilipinas.

Tahasang din kinondena ng mga nagwelga ang pagbisita ni Pangulong Marcos sa Estados Unidos at pakikipag-usap nito kay US President Joe Biden.