Advertisers
IKINALUGOD ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang desisyon ng business process outsourcing (BPO) company Atento na magtayo ng kauna-unahan nitong call center sa Pilipinas na nasa Iloilo Business Park sa Mandurriao, Iloilo.
Sa pakikipagpulong ni Pang. Marcos sa mga opisyal ng Atento sa Washington, sinabi ng Presidente na tama ang naging pasya ng kompanya dahil masisipag at mahuhusay sa Ingles ang mga Pilipino.
Kabilang sa mga nakapulong ng Pangulo sina Atento President Fili Ledezma Soto at Chief Delivery Officer Josh Ashby.
Samantala, isiniwalat ni Pang. Marcos na plano rin ng Analog Devices, Inc. (ADI) na palawakin ang kanilang Research and Development (R&D) sa bansa.
Nabatid na nasa 200 milyong dolyar ang ilalagak na investment ng ADI sa kanilang pasilidad sa Gateway Business Park sa Cavite. (GILBERT PERDEZ)