Advertisers
INIULAT ng Bureau of Immigration (BI) na naisalba ng ahensya ang may 10 kababaihan na nagtangkang makaalis ng bansa patungong Singapore sa iligal na paraan bilang mga sex workers.
Ibinahagi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang 10 kababaihan na pawang mga edad 20s at early 30s, ay naharang nitong Biyernes hapon matapos magtangkang sumakay ng Cebu Pacific flight patungong Singapore.
“We received information earlier this month from the Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) that these women were being trafficked abroad and were recruited as entertainers, but will end up as sex workers,” sabi ni Tansingco.
Sinabi ni Tansingco na nang matanggap niya ang impormasyon ay agad na sinama nila ang grupo sa monitoring records upang maharang ang mga ito.
Ibinahagi pa ni Tansingco na nang maisama nila ang impormasyon ng IACAT sa kanilang records, nakatanggap pa sila ng impormasyon mula sa tanggapan ni Senator Risa Hontiveros sa mga nasabing kababaihan, ito ay nagpatunay ng kanilang hinala sa tunay na pakay ng kanilang aktwal na biyahe.
Sinabi ng mga kababaihan na sila ay magta-travel bilang turista kasama ang mga kaibigan. Pero nang siyasatin ang kanilang records ay lumitaw na ang kanilang working permits ay bilang entertainers sa Singapore.
Sila aniya ay magkakahiwalay na na- recruit online sa pamamagitan ng Facebook messenger para magtrabaho sa isang pub sa Singapore. Sila ay inalok ng P40,000 kada buwan kung saan kakaltasin pa ang kanilang travel sa loob ng 6 na buwan.
“This is a clear example of debt bondage—a tactic in trafficking—wherein they are made to pay the expenses for the recruitment,” sabi ni Tansingco.
“These expenses pile up, and they end up being forced to work to pay their debt,” dagdag pa nito.
Pinuri ni Tansingco ang papel ng koordinasyon ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa nangyaring pagsalba sa mga kababaihan.
“A multi-agency approach is needed in the fight against trafficking,” sabi ni Tansingco.
“Coordination with government agencies in gathering information and intercepting trafficking victims is necessary for us to be able to stop this illegal activity,” dagdag pa nito.
Ang mga biktima ay dinala sa IACAT para tulungan ss pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanilang mga recruiters. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)