Advertisers
NASAWI ang dalawang chainsaw operators nang pagbabarilin ng mga kasapi ng Special Action Force-PNP nang mapagkamalang kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) ang dalawa noong Biyernes.
Kinilala ang mga nasawi na sina Joel Balading Recare at Oscar “Oca” Alastoy, kapwa chainsaw operators sa Barangay Sangay, Palapag ng nasabing probinsya,
Sa ulat ng SAF-PNP, nagsasagawa ng operasyon ang tropa sa Sitio Ibaliw, Bgy. Capacujan, Palapag, Northern Samar kungsaan nakaengkwentro ang higit sa 20 kasapi ng teroristang grupo.
Taliwas naman ito sa pahayag ng punong-barangay. Hindi aniya nangyari ang engkwentro sa bulubunduking bahagi ng Barangay Capacujan kundi sa Barangay Sangay.
Kuwento ng mga kaanak, nasa lugar ang mga biktima dahil nagtatrabaho ang mga ito bilang chainsaw operators at hindi mga kasapi ng NPA.
Sinabi pa ng mga kaanak na higit sa 24-oras bago dalhin ang bangkay nina Balading at Alastoy sa Rural Health Unit (RHU) kaya nasa states of decomposition na ang mga ito.
Habang sinusulat ang ulat na ito, hindi pa nagbibigay ng pahayag ang pamunuan ng SAF-PNP Northern Samar hinggil sa insidente.