Advertisers
NASAWI ang tatlo katao habang siyam ang sugatan nang tamaan ng kidlat sa Banate, Iloilo.
Nangyari ang insidente sa Sitio Giragid, Barangay Libertad, Banate kungsaan tinamaan-patay sina Mila Soberano, 38 anyos; Rosalie Soberano, 48; at Britney Labos na tatlong buwang buntis.
Nagtamo naman ng mga sugat sa katawan sina Felomino Sadiang-ibon, 77; Janelyn Igona, 38; Carlo Soberano, 11; Jumar Soberano, 42; IJ Soberano, 29; Sharime Soberano, 20; Ivan Soberano, 44, at dalawa iba pa.
Batay sa kwento ng mga nakaligtas, nag-aani ang mga biktima nang umulan ng malakas, dahilan para sumilong sila sa isang kubo sa lugar, nguni’t sa kasawiang-palad tinamaan ng kidlat ang kubo na sinisilungan ng mga ito.
Isinugod sa pinakamalapit na ospital ang mga sugatan, habang nasa punerarya ang mga binawian ng buhay.