Advertisers

Advertisers

Ebidensya vs Teves sa Degamo slay, ‘voluminous’ – Remulla

0 101

Advertisers

INILARAWAN ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla bilang “voluminous” ang mga ebidensya ng mga imbestigador laban kay Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo A. Teves Jr. sa pagkakasangkot nito sa March 4 killings sa 10 indibidwal sa naturang lalawigan, kungsaan kabilang sa pinaslang si Gov. Roel R. Degamo.

“‘Wag siya mag-alala. The evidence is very tight here with us,” ani Remulla.

“Marami talagang factual matters na kino-consider sa ganitong klaseng kaso kasi ang pinag-uusapan ninyo rito ay mahigit sampung suspects at mahigit dalawampung biktima,” sabi niya.

Sinabi ni Remulla ang posibilidad na maihain ang criminal complaints sa Department of Justice (DOJ) laban kay Teves kaugnay sa mga pagpatay sa bayan ng Pamplona, Negros Oriental.

“We’re looking at this week to finish it,” aniya.

Inilahad niya na nakipagkita siya nitong Lunes sa isa sa prosecutors na nag-iimbestiga sa murder cases.

“They just want to firm up everything before they file the cases against Cong. Teves,” anang kalihim.

Nakapaghain na ang DOJ ng kaso sa korte laban sa anim na naarestong suspek para sa 9 counts of murder maging multiple counts of frustrated murder at serious physical injuries.

Iniulat na isa sa mga nabaril sa insidente, si Fredilino Cafe Jr., ay pumanaw na kamakailan. Kaya umabot na sa 10 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.