Advertisers

Advertisers

PAL staff na sangkot sa ‘tissue scam’ sinuspinde na

0 130

Advertisers

PINATAWAN ng ‘preventive suspension’ ang check-in counter agent ng airline company na napaulat na naningil sa isang overseas Filipino worker (OFW) para sa kanyang excess baggage, pero sa pamamagitan ng kanilang personal bank account.

Iniimbestigahan na ng Philippine Airlines (PAL) ang insidente matapos kumalat ang post ng OFW na kinilalang si Maryclair Reyes.

“For now, the concerned check-in agent has been placed on preventive suspension, and we are working with Macro Asia (the agent’s employer and our service provider at NAIA Terminal 2) to enforce PAL’s strict policies against any form of fraud or irregularities, and to prevent any recurrence,” pahayag ni PAL spokesperson Cielo Villaluna.

“Rest assured that we do not tolerate the necessary actions to protect our customers and safeguard the integrity of all our operations,” dagdag pa ng opisyal.

Nag-viral ang post ni Reyes nitong weekend nang ibunyag ang aniya’y panibagong scam sa NAIA.

Handa umano si Reyes na bayaran na lamang ang overbaggage fee niya, pero nang malaman na P11,000 ang kanyang babayaran ay sinabi niya sa staff na P5,000 lang ang kaya niyang maibigay.

Dito na siya binigyan ng tissue paper na may nakasulat na personal bank account number.

Ayon sa opisyal ng PAL, malinaw na paglabag ito sa kanilang standard operating procedure na dapat sa check-in counter babayaran ang overbaggage fee at mayroong resibo.

Iniimbestigahan na ng airline ang insidente, kasama ang pahayag ng kanilang pasahero na nag-post ng insidente sa social media.