Advertisers

Advertisers

Photog sumalpok sa trak, tigok

0 130

Advertisers

NASAWI ang isang photographer na nakamotorsiklo nang banggain ang nakaparadang 14-wheeler truck sa kalsada ng Mc. Arthur Highway, Barangay Bacag, Villasis, Pangasinan, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ng Villasis Municipal Police Station (VMPS) ang biktima na si Nikko Clarence Bergonia, 30 anyos, freelance photographer, ng Barangay Bacag.

Samantala, ang truck driver ay kimilalang si Bernard A. Ramos, 30, ng Barangay Coral na Bato, San Rafael, Bulacan.



Sa report ng VMPS traffic bureau, naganap ang insidente 3:45 ng madaling araw sa national road sa Barangay Bacag.

Ayon sa pulisya, binabagtas ni Bergonia ang kalsada nang sumalpok ang motorsiklo nito sa isang 14-wheeler truck na may plakang NAO-3414 na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Sa lakas ng pagkakabangga, nagtamo ng grabeng mga sugat sa ulo at katawan ang photographer.
Tinitingnan ngayon ng pulisya kung may pananagutan ang driver ng truck.