Advertisers
NASABAT ng Bureau of Customs Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang mga outbound express cargo na naglalaman ng hinihinalang ‘dangerous drugs’ na itinago at idineklarang bilang eyelash set, electric hair dryer, at electric hairbrush noong Mayo 8, 2023 sa DHL Express Gateway Warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Dahil sa mga kahina-hinalang larawang nakita ng mga opisyal ng Customs sa x-ray scanning ay isinagawa ang physical examination ng Customs Examiners kung saan nakakuha ng 560 gramo ng hinihinalang shabu o methamphetamine hydrochloride na may kabuuang tinatayang street value na PhP 3,808,000.00.
Ang iligal na kargamento ay dadalhin sana patungong Australia nang harangin ng mga otoridad sa naturang warehouse.
Ayon sa ulat ng BOC POrt of NAIA, ang shipper at consignee ay kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon ng PDEA ukol sa pagsisimula ng kaukulang inquest proceedings para sa paglabag sa RA 9165 at RA 10863, na kilala rin bilang Customs Modernization Act (CMTA).
Ang BOC-NAIA, sa ilalim ng gabay ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ay nananatiling nakatuon sa pagprotekta sa bansa laban sa mga pagtatangka ng smuggling sa mga hangganan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
Sinabi ni Commissioner Rubio, “Kami ay patuloy na magiging mapagbantay sa aming mga pagsisikap sa proteksyon sa hangganan upang maiwasan ang mga mapanganib na droga at iba pang kontrabando na pumapasok at lumabas sa ating bansa. Ang matagumpay na pagharang na ito ay isang patunay ng epektibong magkasanib na pagpapatupad ng ating Customs at inter-agency mga kasosyo laban sa pagtutulak ng droga upang maiwasan ang pandaigdigang pagkalat ng mga ilegal na droga lalo na sa Rehiyon ng Asia Pacific.” (JOJO SADIWA/JERRY TAN)