Advertisers

Advertisers

5 kilos ‘opium’ nasabat sa NAIA

0 142

Advertisers

UMABOT sa limang kilo na ‘dried opium’ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at NAIA PDEA-Inter Agency Drug Interdiction Task Group mula sa isang warehouse ng Central Mail Exchange Center (CMEC) sa lungsod ng Pasay.



Ang naturang parcel ay ipinadala ng isang alyas Sammee Singh noong April 17, 2023 na nagmula sa Navarro de Haro, Spain at idineklarang ‘prepared foods of cereals corn flakes’.

Ayon sa ulat ng BOC-Port of NAIA, pinigil ng mga tauhan ng Customs na ilabas sa warehouse ang nasabing parcel matapos na makita sa x-ray scanning machine ang kahina-hinalang hugis na nasa loob nito.

Sa pamamagitan ng 100% physical examination ng Customs at PDEA personnel ay nadiskubre na itinago ang 5 kilos na pinatuyong opium sa kahon. Gayunpaman, wala pang impormasyon ang Customs authority kung magkano ang halaga o street value na sinasabing dried opium poppy buds’ dahil anila, ito ang kauna-unahang nangyari na nakaharang sila ng opium sa NAIA warehouse na galing sa ibang bansa.

Naaresto naman ang consignee na si Amandeep Singh ,37, Indian national, negosyante at residente ng B4 L12, Amsterdam St., Chester Place Subd., Burol, Dasmariñas, Cavite.

Siya ay 15 years nang naninirahan sa bansa at ginagamit nito ang pinatuyong halaman para sa sumasakit sa likuran ng kanyang katawan.

Ang nakumpiskang dried opium ay dinala ng Customs personnel sa PDEA-IADITG office habang ang nasabing ‘claimant’ ay isinailalim sa masusing imbestigasyon. (JOJO SADIWA /JERRY TAN)