Advertisers

Advertisers

BAWAT MIYEMBRO NG PNP-PDEG, DADAAN SA BUTAS NG KARAYOM!

0 230

Advertisers

Target ngayon ni Philippine National Police Chief PGen Benjamin Acorda Jr. na magpatupad ng bagong sistema sa drug enforcement group ng pambansang pulisya.

Ito ay matapos na mapaulat na mayroong humigit kumulang na tatlong libong kapulisan mula sa drug enforcement unit ng PNP ang sangkot sa iba’t ibang uri ng katiwalian.

Sinabi ni Gen. Acorda na dahil dito ay pina-plano niya ngayon na gawing co-plan based ang lahat ng operasyon ng naturang hanay ng kapulisan maging sa regional at provincial level kasabay ng mas agresibo at consolidated operations nito upang mas matiyak na talagang bantay- sarado ang kilos ng mga ito.



Una nang inatasan ng heneral ang lahat ng mga intelligence operatives ng PNP na tutukan ang mga police scalawags sa loob ng kanilang organisasyon, kasabay ng direktibang kanyang iniutos na magiging mas mahigpit at hindi na basta-basta pa ito magtatalaga ng mga kawani sa drug enforcement group ng PNP nang hindi dumadaan sa butas ng karayom.

This oplan is easier said than done.

Di sa minamaliit natin si Gen.Acorda ha?

Pero sa ikli ng panahong ilalagi ng mamang heneral bilang top gun ng PNP, malabo pa sa lubluban ng kalabaw na lilabusaw na mapatino nya ang mga bulok at bugok na kapulisan sa kanilang hanay.

No PNP chief can do that kung ang pangulo ng ating bansa ay weak at pakuya-kuyakoy lamang at panay ang bulakbol sa ibang bansa.



Kung sa tingin ni PBBM ay di malaking concern sa ating mga Pinoy ang droga, wait until this nation becomes another narco country like Columbia.

Nakakatakot!

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com