Advertisers

Advertisers

Mayor Fritz alyas Brownie, idinawit sa Degamo slay

0 355

Advertisers

Ibinunyag ng isang panibagong witness sa Degamo slay na isa umanong alkalde ang sangkot sa pagpatay kay Governor Roel Degamo.

Sa Balitaan sa Tinapayan nitong Miyerkoles, isiniwalat ng testigong si Marlon Quibod ang planong pagpatay kay Governor Degamo.

Sinabi ni Quibod na may warrant of arrest siya sa kasong attempted murder o homicide kaya siya namundok at nagtago sa isang lugar sa Damutan, Hinoba-an sa Negros Occidental at doon niya nakilala ang isa sa mga salarin kay na si Arnel Libradilla. Hinihikayat siya ni Libradilla na maging NPA subali’t tinanggihan niya ito.



Sa kanyang sinumpaang salaysay, sinabi ni Quibod na niyaya rin siya ni Libradilla na sumama sa isang operasyon na inoorganisa ng isang alyas Brownie.

Ayon kay Quibod, nag-video call pa sina Libradilla at Brownie para mapag-usapan ang nasabing operasyon.

Sinabi pa ni Quibod, na ang pagpatay kay Gov. Degamo ang sinasabing isasagawang operasyon nguni’t tinanggihan niya ito dahil natakot siya at batid niyang ikapapahamak ng kanyang buhay ang nasabing gawain.

Pagsisiwalat pa ni Quibod sa media, nabalitaan niya noong Marso 6 na pinatay si Degamo at Libradilla na namatay din nang tinutugis ng mga kapulisan.

Nang makita niya sa TV ang mukha ng nagngangalang Mayor Fritz, doon lamang niya umano napagtanto na si alyas Brownie pala na ka-video call ni Libradilla ay si Mayor Fritz pala.



Nanawagan naman si Quibod sa pamahalaan na sa kanilang paglutang, masiguro sana ang kaniyang kaligtasan gayundin ang kaniyang pamilya.

Matapos isiwalat ni Quibod ang kanyang nalalaman sa harap ng mga mamamahayag sa ‘Balitaan sa Tinapayan’ agad na dumiretso sila sa NBI sa Quezon City para doon planong sumuko. (Jocelyn Domenden)