Advertisers

Advertisers

‘Paraiso ng Batang Maynila’ sa Malate, pinasinayaan – Mayora Honey

0 171

Advertisers

ISANG mas maganda at mas mabuting ‘Paraiso ng Batang Maynila’ na magbibigay sa mga residente ng Malate ng lugar kung saan maaari silang mag-relax at magpalipas ng oras, ang pinasinayaan ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Lunes ng gabi.

Sinamahan si Lacuna nina Metro Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairman Atty. Romando Artes, Vice Mayor Yul Servo Nieto, Father Domingo Asuncion ng Our Lady of Assumption Church, City Engineer Armand Andres, City Electrician Randy Sadac at iba pa, sa pornal na pagbubukas sa publiko ng newly-improved ‘Paraiso ng Batang Maynila.’

Ang bagong bukas na ‘Paraiso ng Batang Maynila’ ay nagko-complement sa parehong newly-rehabilitated na Manila Zoo na nasa tapat lang parke.



“Pinasisinayaan natin ang proyektong ito ng pagsasaayos, pagpapaganda at pagpapaliwanag nitong Paraiso ng Batang Maynila, kung saan ay inayos ang mahigit sa 2,000 metro kuwadradong park,” sabi ng alkalde.

Nabatid na isa sa mga bagong features ng nasabing parke ay ang 200 meters jogging path, benches na nagsisilbing pahingahan o tambayan ng mga magbabarkada, iba’t-ibang ilaw at isang magandang landscape.

Binigyang diin ni Lacuna ang papel na ginagampanan ng mga parke sa pagtataguyod ng malusog na pamumuhay para sa mga residente na hinihikayat na gamitin palagi ang nasabing parke.

“Ang ganitong mga parke ay makatutulong sa pagkakaroon ng malusog na pamumuhay ng ating mga kababayan dahil nakahihikayat ito upang mag-ehersisyo ang mga tao, magkaroon ng oras sa pamamasyal at pagpapahinga, nakapagpapabuti ng kaisipan at nagbibigay espasyo sa mga bata upang makapaglaro at makipag-ugnayan sa mga kapwa bata,” dagdag pa nito.

Pinasalamatan ng lady mayor ang MMDA sa paglalaan ng pondo para sa nasabing proyekto na nagkakahalaga ng P20 million, kaya naman :”Malaking tulong ito sa programa ng ating pamahalaang lungsod sa patuloy na pagsisikap natin na maisaayos ang lahat ng mga pasyalan dito sa buong Maynila,” sabi ni Lacuna.



Sinamantala rin ng alkalde ang pagkakataon na manawagan sa mga barangay officials na may hurisdiksyon sa nasabing parke at sa mga kalapit na barangay na tiyaking naaalagaan at napoprotektahan ito laban sa lahat ng uri ng bandalismo. Nanawagan din siya sa mga residente na makipagtulungan sa pamahalaang lungsod na mapanatiling malinis, maayos at maganda ang parke sa lahat ng oras.

Sinabi pa ng alkalde na ang transpormasyon ng Bagong Paraiso ng Batang Maynila ay bahagi ng kampanya na makapag- develop ng open, green spaces para pakinabangan ng publiko sa gintna ng mainit na kundisyon ng panahon.

Sa kasalukuyan, ang parke ay mayroon ding playground areas, basketball court, garden at gazebos, lamp posts, bollards at fountain na pinaiilawan kapag gabi. (ANDI GARCIA)