Advertisers
NAARESTO ng Intelligence and Warrant Section ng Manila Police District-Sampaloc Police Station 4 (MPD-PS4) ang 40 anyos na binata nang silbihan sa bisa ng Warrant of Arrest (WOA) sa harap ng bahay nito sa 1891 Palawan Street, Sampaloc, Maynila, nitong Lunes ng gabi.
Kinilala ni P/Lt.Col. Wilson Villaruel, Hepe ng Police Station 4, ang suspek na Top 2 sa Most Wanted Person (MWP) na si Christian Cabanatan Cortez, technician, at nakatira sa nasabing lugar.
Sa ulat, inaresto ang suspek sa kasong paglabag na “Carnapping Defined” at may parusa sa ilalim ng Seksyon 3 ng R.A 10883 (The New Anti-Carnapping Act of 2016) sa pangunguna ni PEMS Luis Coderes sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni P/Lt.Col. Villaruel.
Inisyu ang nasabing arrest warrant ni Hon. Lady Rochelle Sapitula Saymo-Llabres, Presiding Judge, RTC, Branch 10, Maynila, may petsang Mayo 5, 2023.
Iniutos naman ng korte ang P300,000.00 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Cortez. (Joseph Elias Bontogon – OJT)