Advertisers

Advertisers

TEVES NAKITANG MAY BITBIT NA 2 TSIKS SA TIMOR-LESTE

0 134

Advertisers

SINAMAHAN ng dalawa staff na babae ang suspendidong si Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr.. na humarap sa diplomatic office sa Timor Leste upang mapadali ang hirit nitong asylum, ayon sa isang source.

Ang isa sa mga babae ay personal assistant ni Teves nang mag-apply ito ng asylum.
“Cong Teves appealed the disapproval of his asylum and is still in Timor Leste as of today, Thursday,’’ sinabi ng source.

Kaugnay nito, ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, inilagay na sa ‘blue notice’ ng International Police Organization si Teves.



Sa abiso ng Interpol Blue, ang mga lokal na awtoridad sa kinauukulang bansa ay inatasang mangolekta ng karagdagang impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan, lokasyon o aktibidad ng isang taong dawit sa criminal investigation.

Inginusong mastermind si Teves sa Negros Oriental massacre noong Marso 4 na ikinasawi ni incumbent governor Roel Degamo at siyam iba pa. Ang pangsiyam na biktima ay namatay kamakailan lang sa ospital dahil sa mga grabeng sugat dulot ng mga tama ng baril.