Advertisers
Ni BETH GELENA
GUSTO pa bang maging isang ina ni Heart Evangelista? Matatandaang 2018 nang magkaroon ng miscarriage ang fashion icon na dapat ay kambal sana ang magiging baby nila ni Senador Chiz Escudero.
Pasakalye niya, “When I got pregnant I didn’t realize how much I wanted it so badly and it changed me a lot because I didn’t think I would be a good mom.
“For a brief moment in my life, I realized that I can be a better person, and not necessarily that you have to give birth, not necessarily that you have to physically be a mom but the idea and what my angels made me feel is good enough for me.”
“But do you still want to be still a mom?”ulit na tanong sa kanya.
“I don’t know, honestly, I don’t know,” sambit ni Heart.
Pero, hindi naman daw niya sinasara ang pinto.
“If I’ll be a mom, why not?”
Ipinagdarasal nga raw niya na magkaroon siya ng babies no matter what.
“I remember at that time, pinagdasal ko na ‘find your way back to me in any form.”
Dagdag pa ng Kapuso aktres, hindi raw niya pinipilit ang bagay-bagay.
Naghihintay lamang siya kung kelan ibibigay sa kanya ang pagiging isang ina.
***
GAME si Lorna Tolentino sa May-December love affair, depende raw sa script.
At si Piolo Pascual ang una niyang nabaggit na gustong makatrabaho.
Ani LT: “Si Papa P [Piolo Pascual], hindi ko pa siya nakatrabaho.”
“Para kasing puwede akong makahabol sa edad niya kaya ko lang siya nabanggit,” paliwanag ng aktres.
“Saka isa siya sa pinupuri ni Daboy (the late Rudy Fernandez) noong araw, kasi isa si Papa P na pag nakikita si Daboy, bumabati sa kanya…. Si Coco sana sasabihin ko, pero dahil anak-anakan na, baka hindi na maniwala,” dagdag pa ng beteranang aktres.
Regarding sa mga nagsusulputang artista na walang pasintabi sa mga senior actors.
Sey ni LT, hindi raw isyu sa kanya kung hindi siya kilala or pinapansin ng mga kasalukuyang henerasyong mga artista ngayon.
“Ako kasi, pina-pass ko na lang yon kasi nga bago pa lang, hindi pa nila alam. Sa akin, kung ayaw niya, huwag. Live and let live. Parang binibigyan mo ng leeway kasi nga bago pa lang.”
Dagdag pa ni Lt, “Saka binibigyan ko ng leeway ang mga nagmamaldita kasi maldita din ako nung araw. Ang dami kong kamalditahan noon.
“Si Daboy lang ang nagturo na, ‘O, hindi dapat yan.’ Kaya nag-mellow ako. Parang dumarating talaga yung phase na yon, hindi mo maiiwasan.”
Kasama si Lorna sa FPJ’s Batang Quiapo na si Coco ang direktor at lead actor.
May advise si LT sa kanyang direktor.
“Ang lagi kong ina-advise kay Coco, huwag siyang magbabago kasi nag-start siya talaga na di siya maldito. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya nagbabago kasi napaka-down to earth pa rin niya,” deklara ng beteranang aktres.
***
ALDEN NAG-ALA STEVE HARVEY SA MUP 2023; MISS PAMPANGA WALA SA TOP 10 PUMASOK SA TOP 5; MUP 2023 ANDAMING KALAT
NAG-ala Steve Harvey si Alden Richards bilang host ng Miss Universe-Philipplines na ginanap Sabado ng gabi, May 13.
Inanunsiyo ng Kapuso aktor ang winner ng Miss Friendship.
SI Miss Agusan del Norte ang binanggit na winner ni Alden.
Nasa harap na niya si Miss Agusan del Norte nang biglang kinorek ni Alden ang winner.
Hindi Miss Friendship ang napanalunan nito kundi winner siya as Most Face on Social Media.
Sey ng isang netizen, “Alden Richards ‘Steve Harvey’ moment. Go lang @aldenrichards02 you did well”
Komento naman ng ibang netizens, “Actually he was able to deliver the correction smoothly and the show continued until the true “glitch” yung top 18 to top 10 mistake ng event!”
“Minor prize lang naman pala ung nagkamali si Alden. Maganda din yung pag correct niya.”
“Sa totoo lang, both Alden and Xian did a good job. Life is short para ma stress sa mga ganyang bagay.”
“he handled it well considering it’s his first time hosting a pageant.”
Pero hindi pa rin nakakigtas ang aktor sa basher
“Boooo. Alden bawal magkamali.”
“Okay lang yan alden pakabait ka nalng”
“Nabasa ko yung thread maganda naman sinasabi kay Alden natawag niyang maayos, sabi nga ng isang nag comment “swabe” pag correct ni Alden, at tuloy tuloy parin, hindi nag dead air. Good job Alden!”
“Grabe yung bashing sa kanya sa ibon. Sunod2x na kapalpakan nila hanggang matapos”
“Korek dahil siguro sa ala steve harvey nya kaya nataranta lahat hindi na naka focus lahat”
“Ang dami niya din mispronunciations sa locations and names of the delegates ‘no.”
“Grabe yung naka 3x ng “baguio” yung voice over hahaha kulang sa practice?”
“Hindi lang si Alden but all the hosts nagkakamali at nalilito dahil ang gulo ng buong show. Their spiels sounded off. May times pang napapatigil sila. I guess may problem din ang teleprompter.”
“Well mas makalat naman yung top 10 tapos biglang top 18 ulit. Kaloka organizers. Yung Pampanga wala sa top 10 pero pasok sa top 5.”