Advertisers

Advertisers

MGA TUNGKULIN

0 123

Advertisers

LALAYA si Leila de Lima sa pinakamadaling panahon. Walang matwid upang manatili siya sa piitan. Walang matibay na ebidensiya sa mga pinagtagpi-tagping sakdal na iniharap laban sa kanya ni Rodrigo Duterte at mga kasabwat. Maaaring lumaya si Leila ngayong buwan o Hunyo at hindi magtatagal ang paghihirap ni Leila at matatapos na ito.

Sa kanyang paglaya, inaasahan na muling bubuuin ni Leila ang buhay na sinira ni Duterte at mga kasabwat. Dahil abogada, inaasahan na muling bubuksan ng dating mambabatas ang kanyang opsiyo bilang manananggol. Hindi malayong itinatag niyang muli ang kanyang law office at sa pagkakataon ito, muling nagdagsaan ang mga kliyente.

Malalim ang karanasan ni Leila sa usapin ng karapatang pantao. Hepe siya ng Commission on Human Rights bago umangat sa puwesto upang maging kalihim ng Department of Justice at senadora. Siya mismo ay biktima ng pang-aabuso ng kanyang karapatan dahil sinampahan siya ng mga kaso na pawang gawa-gawa at nabatay sa paghihiganti ni Duterte.



Ipiniit ng mahigit anim na taon batay sa tatlong sakdal na dalawa sa mga ito ay napawalang sala na siya. Isang sakdal na lang ang kailangan niyang bunuin sa hukuman. Walang dahilan upang sumulong ito dahil nawala na ang mga saksi matapos inurong nila ang kanilang testimonya na nadawit kay Leila.

Naghihintay ang mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings, o ang mga pinatay ng mga pulis at vigilante dahil sa hinala na drug user o pusher sila. Marami sa kanila ang nagsampa ng information sa International Criminal Court (ICC). Sa pananaw ng mga tagamasid, mas may halaga at prestihiyo ang kanilang sakdal kapag tumayo si Leila bilang kanilang pangunahing manananggol kasama ang ibang manananggol sa karapatang pantao.



Kinikilala ng international community ang prestihiyo ni Leila de Lima. Siya ang simbolo ng pagtutol sa pagmamalabis sa poder na ipinakita ni Rodrigo Duterte sa kanyang termino. Tinutulan niya ang mga paglabag sa karapatang pantao. Ito ang ikinagalit ni Duterte upang ipakuong siya sa mga pinagtagpi-tagping kaso.

***



PUMUNTA kamakailan si Sen. Risa Hontiveros at nakipag-usap siya sa mga manggagawang Pinoy doon. May inisyu siyang pahayag tungkol sa kanilang kundisyon..

Hontiveros to DMW, OWWA: Crackdown on misleading OFW contracts in Taiwan

TAIPEI, TAIWAN — Senator Risa Hontiveros is calling on the country’s labor officials to rescind misleading contracts signed by Overseas Filipino Workers bound for Taiwan.

In a talk with OFWs here, the employees revealed that there are many inconsistencies between the contracts they signed with their recruiters in Manila, compared with the Affidavits for Wage / Salary and Expenses, which are the contracts they signed with their employers in Taiwan.

Though many do not encounter this problem, Hontiveros said those who do had to endure abuse and exploitation by their employers. The dialogue was attended by OFWs from various parts of Taiwan, such as Taipei, Taichung, Taoyuan, Tainan, Hsinchu, Kaohsiung, and others.

“Ayon mismo sa ating mga kababayan, hindi nagtutugma ang mga detalye ng dalawa nilang pinipirmahan para makapagtrabaho sa Taiwan. Misleading ang mga nakasaad. Yung job description, day off, rest day, oras ng trabaho, at maging ang sweldo, hindi pareho. Kaya pagdating nila doon, nalilito sila. Yung iba, nagtitiis hanggang makahanap ng bagong malilipatang employer. Ang malala, may ibang inaabuso at napipilitang magpa-“shelter” o magpakupkop muna sa mga kababayan natin sa Taiwan,” she said.

To be a foreign worker in Taiwan, an OFW must sign an Affidavit for Wage/Salary and Expenses which is also signed by labor brokers and the employer. It is meant to protect the OFW against unfavorable conditions.

However, the senator believes unscrupulous recruiters have found a loophole that enables the exploitation of many Filipinos. For instance, many of our migrants who applied and trained in Manila as caregivers ended up being farmers of pinyin or betel nuts (nganga), which the workers say is backbreaking work.

“Gigising sila ng alas-kwatro ng umaga para umakyat sa bundok kung nasaan ang farm ng nganga. Pagdating doon buong araw ang trabaho, lampas sa nakatakda sa kontrata nila. May isa tayong OFW, mag-isa lang syang manggagawa sa farm ng employer niya. Siya ang gumagawa ng lahat. Mayroon ding mga kaso na hindi pinagda-day off ng employer, bawal din daw mag-rest day. Marami din ang hindi sumusweldo nang tama. Napakahirap ng pinagdaanan nila,” she said.

Due to the stunning revelations, the senator is now calling on the DMW and OWWA to check on possible ambiguities and inadequacies in all contracts signed by aspiring OFWs.

“Nakikipagsapalaran ang mga OFWs para sa mas magandang buhay. Yun pala, lalo lang nadadagdagan ang problema nila. Dapat imbestigahan kung bakit pumipirma ang mga kababayan natin ng kontratang hindi katulad ng kontratang hawak ng boss nila,” she emphasized.

OFWs also disclosed to the senator that some parts of their skills training in Manila are unnecessary for their job description. They add, the fees for these training must be reviewed. They say, they are required to pay as much as P150,000 pesos for training, medical tests, placement fees, and many other burdensome expenses.

“Sa ating mga OFWs sa Taiwan, pangako po, ipaparating natin sa kinauukulan ang inyong mga hinaing, at sisiguraduhin nating may aksyon. Hindi tayo magsasawang ipaglaban ang karapatan ng ating mga kababayang nakikipagsapalaran sa ibang bansa. Sagrado ang ating mga karapatan bilang mga manggagawa at pantao. Mula recruitment, hanggang makapag-trabaho na kayo, hanggang sa inyong pag-uwi, itataguyod natin ang kapakanan ng Pilipinong manggagawa,” the senator concluded.

***

MGA PILING SALITA: “Di ko gets. If you’re accused of a crime, not enough evidence was presented and you’re acquitted, you’re still guilty forever and ever? What happened to the presumption of innocence?” – Dr. Raquel Fortun

“Duterte says Marcos is right about drug war ‘abuses’ but washes his hands and blames everything on law enforcers following his orders.” – Bob Blues Magoo

“[Kapag hindi] mo alam ang gagawin mo, mambola ka na lang.” – Sonny Trillanes