Advertisers

Advertisers

22 official candidate sa ‘Miss Manila 2023’, napili na – Mayora Honey

0 131

Advertisers

INANUNSYO ni Mayor Honey Lacuna na napili na ang 22 official candidates para sa ‘Miss Manila 2023’.

Pinangunahan din ng alkalde ang sashing ng mga nasabing kandidata sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Manila City Hall na inorganisa ng  tourism department sa pamumuno ni Charlie Dungo.

Ayon sa alkalde, ang mga nasabing kandidato ay dumaan at nakapasa sa face- to- face interview hanggang  sa mapili ng board of judges ang final at official list ng mga kandidato na prinisinta at nilagyan ng sash nitong Lunes,  May 15.

“All our lovely girls underwent the pre-qualification process and were selected according to their submitted credentials and video footages.  We are all excited to see you girls compete,” sabi ni Lacuna.

Idinagdag pa nito: “Sana, i-enjoy n’yo lang ang inyong journey sa pageant na ito.  This is your opportunity to hone and shine in your inner and outer character as the woman of the future.”

Pinasalamatan ni Lacuna ang lahat ng sumali at tumulong sa paglulunsad at pag-revive ng nasabing proyekto na nahinto  dahil sa 2020 pandemic.

Ang naturang timpalak pagandahan ay bahagi ng selebrasyon ng paparating na  452nd founding anniversary ng Maynila sa June 24.

Sinabi ni Dungo na ang coronation night ay gaganapin sa June 23 sa Metropolitan Theater at ang mga kandidato ay kakatawan sa mga pangunahing lugar sa anim na distrito ng lungsod. (ANDI GARCIA)