75 nagtapos sa ilalim ng BI academy
Advertisers
NAGTAPOS ang panibagong batch ng mga immigration officers sa ilalim ng Bureau of Immigration’s (BI) Philippine Immigration Academy (PIA).
May kabuuang 75 na bagong kawani ang pormal na kinilala sa graduation ceremony sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 nitong Lunes.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang 75 ay sumailalim sa bagong fast-tracked course na layuning magkaloob ng ” brief and concise learning experience” para sa mga bagong IO’s na magsisilbi bilang mga frontliners sa pangunahing paliparan sa bansa.
Lahat ng mga immigration officers ay sumailalim sa pagsasanay ng BI-PIA sa immigration laws, rules, and procedures. Ang academy ay matatagpuan sa Clark, Pampanga, pero ang mga bagong officers ay trained in-house sa NAIA upang bigyan sila ng mas holistic at on-the-ground training.
Ang mga bagong IO’s ay sinanay sa pinaka-latest at best practices sa immigration industry at nakahanda na silang i-deploy matapos ang kanilang kurso.
Ibinahagi ni Tansingco, na tiniyak niyang bahagi ang soft skills sa ginawang pagsasanay upang paunlarin ang kanilang pag-uugali sa kung paanong paraan ginagawa ng immigration officers ang kanilang tungkulin.
Ang mga nagsipagtapos ay binubuo ng 22 babae at 53 lalaki. Ang seremonya ay dinaluhan ni Secretary of Justice Jesus Crispin Remulla, na nagsilbi bilang guest of honor at speaker.
“I am proud to have been given an opportunity to address you this morning,” sabi ni Remulla sa kanyang talumpati
“Soldiers you are, warriors you are, but given a task sometimes called so mundane, but actually very significant at a time when terrorism other crimes have crossed borders without limit. You are the ones who limit the movement of people who will not do our country good favor,” dagdag pa nito.
Ayon kay Tansingco, ang karagdagang mga kawani ang tutugon sa pangangailangang manpower sa airports at iba’t-ibang tanggapan sa BI.
“As we continually recover from the woes of the covid-19 pandemic, we need a new breed of officers to cope with the increasing volume of passengers,” sabi nito.
“We also trust that through this action, we strengthen our drive to combat human trafficking and thwart the entry of unwanted aliens in our borders,” dagdag pa ni Tansingco.
Ang 75 na bagong officers ay karagdagan sa halos 1,000 personnel na naka-deploy sa iba’t-ibang international airports sa bansa. (JERRY S. TAN/JOJO SADIWA)