HEPE NG NAVOTAS, MALABON, LAS PINAS, TANAUAN ATBPA, DEDMA SA ONE-STRIKE POLICY ORDER NI PNP CHIEF ACORDA JR.!
Advertisers
ISA sa pinaka- mahigpit na direktiba ni newly appointed Philippine National Police Chief, Gen. Benjamin Acorda Jr. sa kapulisan sa bansa ay linisin ang kanilang area of responsibility (AOR) sa nagkalat na ibat ibang uri ng illegal gambling.
Hindi lamang nakakasira ang iligal na sugal sa pamilya, ang pagkagumon dito ay mitsa din ng pagkakakasadlak sa bawal na droga pagkat karamihan sa mga mga operator ng illegal vices ay karaniwan ding mga big-time na drug dealer na napatunayan na hindi lamang sa Metro-Manila at CALABARZON area kundi maging sa mga Rehiyon 1, 2 and 3.
Kaagad namang tumalima sa atas ni PDG Acorda Jr. ang mga regional director, provincial commander, ganon din ang mga city at town police chief, pero hindi lahat sa mga ito ay sumunod tulad ng mga hepe ng pulisya ng mga Lungsod ng Navotas, Malabon at Las Pinas City pati na ang police chief ng Tanauan City, Batangas at lalawigan ng Cavite.
Ayon pa sa kautusan ng bagong Chief PNP, paiiralin niya ang “One-Strike Policy” o tatanggalin ang mga police commander na hindi susunod sa kanyang direktiba kapag nahulihan ng sugalan ang kanilang hurisdiksyon ng ibang unit ng kapulisan na mag-ooperate sa kanilang AOR.
Ngunit marami pa ring dumedma o hindi sumunod sa utos ni Acorda Jr., tulad ng Navotas, Malabon at Las Pinas sa Metro-Manila, syudad ng Tanauan, mga bayan ng Padre Garcia, Nasugbu, Tuy, Lobo, Laurel at iba pang mga lugar sa mga lalawigan ng Batangas, Cavite, Laguna, Rizal at Quezon na nasa direktang superbisyon ni Northern Police District Chief BGen. Rogelio Penones, Southern Police District Director PDGen Kirby Kraft, National Capitol Region Police Director MGen. Edgar Allan Okubo at PNP Region 4-A Chief PBGen. Carlito Gaces.
Ayon sa informant ng SIKRETA, patuloy ang pamamayagpag ng pasugal na loteng at EZ 2 ni DIMPLE na lantarang nag-ooperate sa lahat na barangay sa Lungsod nina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Malabon Mayor Jeanie Sandoval. Sa Las Pinas City ay largado naman ang pa-jueteng ni ESMER.
Sa Tanauan City, siyudad ni Mayor Nelson Collantes ay lantaran naman ang operasyon ng STL- con jueteng ng may 34 na kilala ding drug pusher na pinangungunahan ng isang alyas Ocampo, Dimapilis, Ablao, Biscocho, alyas Kon Burgos, Gerry, Ms Bagsik at iba pa. Sa bayan ng Padre Garcia bukod sa STL-con jueteng o bookies ay nag-ooperate din ang mga sakla joint ng magkasosyong alyas Tisoy at Nonit sa mga barangay ng Sambat sa bahay ng isang Villestas at Brgy. Payapa at maging sa Gen. Malvar Street na nasa sentro pa naman ng naturang bayan.
Sa Nasugbu town ay may pa-bookies din ang isang alyas Willy Bokbok sa lahat na barangay sa nasabing munisipalidad at ilan ding pergalan (perya at sugalan) ang doon ay pinatatakbo ng ilang Batangas based police scalawag. Sa bayan ng Laurel isang alyas Broce ang may malakas ding operasyon ng STL-con jueteng at STL-con droga. May relasyon kaya ito sa alkalde ng bayan ng Laurel?
Sa bayan ng Lobo ay may nag-ooperate din na pergalan malapit sa munisipyong pinag-oopisinahan ni Municipal Mayor Lota Manalo at asawang Vice Mayor Jorly Manalo at may isa pang pergalan sa tabi ng barangay hall ng Lagadlarin ng nabangit ding bayan. Sa bayan ng Tuy ay dalawa din ang nag-ooperate na pergalan sa Brgy. Palico at sa Brgy. Putol.
Sa probinsya ng Cavite bagyo ang operasyon ng Perya ng Bayan (PnB)-con jueteng nina alyas John Yap, alyas Minong, Hero, Erick, Anacan at alyas Sgt. Sevilla aka Tagoy at Santiago sa lahat na mga bayan at siyudad ng Cavite.
Bukod sa PnB -con jueteng ay nagpapatakbo din ang grupo ng mga ito ng iligal at talamak na operasyon ng Barangay Lucky Bingo o online bingo, kasosyo ang Davao based gambling lord na si alyas Don at ngayo’y dinaig pa sa lakas ang kubransa ng STL -con jueteng operation sa CALABARZON area. Dedma din ang mga operasyong ito kay Cavite OIC PD Col. Christopher Olazo?
Sa kalakhang Luzon, ang CALABARZON Police ang may pinakamaraming police chief na maituturing na astig at bumabalewala sa direktiba ni PDG Acorda Jr. na “One-Strike Policy” kaya ang tampulan ng sisi dito ay si PBGen. Gaces.
Kung patuloy naman ang operasyon ni DIMPLE sa Malabon at Navotas, at sa syudad ng Las Pinas ay si ESMER, aba’y sampal ito sa pamunuan ni Navotas Police Chief Col. Allan Umipig, Malabon Police Commander Col. Amante Daro at Las Pinas City Police Chief Segundo Lagundi Jr., ganon din kina NCRPO head MGen. Edgar Allan Okubo at NPD Chief BGen. Rogelo Penones.
Dahil hindi kumikilos sina MGen Okubo, Bgen Penones, BGen. Kraft, lalo na sina Col. Umipig, Col. Daro, at Col. Lagundi Jr. para hulihin sina DIMPLE at ESMER “ngising aso” tuloy ang ilang switik at matakaw sa lagay na mga Kapitan Del Barrio ng Navotas, Malabon at Las Pinas.
***
Para sa komento: CP. No. 09664066144