Advertisers
TINATARGET ngayon ng economic managers ng Marcos administration na maipasa ang panukalang batas na Maharlika Investment Fund (MIF) sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado bago matapos ang sesyon sa Hunyo 2.
Pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno, nakikitaan ng significant progress ang naturang panukala sa Senado at umaasa silang maipapasa rin ito bilang batas bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo 24.
Dumalo sa Senate plenary session sa MIF bill nitong Lunes ang iba pang miyembro ng economic team ng administrasyon maliban pa kay Diokno sina Budget Secretary Amenah Pangandaman, at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan para ipakita ang kanilang buong suporta para sa naturang panukala.
Sa kasagsagan ng interpellation, nilinaw naman ni Senator Grace Poe ang mga kwalipikasyon at standards para sa 9 na miyembro ng Board of Directors ng panukalang batas na inin-sponsor ni Senator Mark Villar na dapat aniya ay maipaliwanag ng mabuti sa implementing rules and regulations ng naturang Maharlika investment Fund bill.
Ipagpapatuloy ang interpellation at debate para sa Maharlika Investment Fund bill sa araw ng Martes.