Advertisers

Advertisers

P138-B pondo inilaan ng gobyerno para sa higher education programs

0 125

Advertisers

MAHIGIT P138 bilyon na pondo ang inilaan ng Marcos administration para sa higher education programs at iba pang subsidiya para sa mga estudyante.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, pagtupad ito sa pangako ng Pangulo na bigyang halaga ang edukasyon ng mga batang Filipino.

Ani Pangandaman, galing ang pondo sa 2023 General Appropriations Act (GAA).



Nabatid na sa naturang pondo, P107.04 bilyon ang ilalaan sa State Universities and Colleges (SUCs) habang ang P31.73 bilyon ay ilalaan sa Commission on Higher Education (CHED).

Gagamitin ang pondo para sa Universal Access to Quality Tertiary Education Program (UAQTE) na may P45.80 bilyong budget.

Paglalaanan din ng pondo ang Student Financial Assistance Programs na may P1.52 bilyong budget kung saan 21,053 na estudyante ang makikinabang sa scholarships at grant-in-aid programs.

Nasa P500 milyon ang inilaan para sa Medical Scholarship and Return Service Program para sa mga medical students.

Nasa P167 milyon naman ang subsidiya para sa tuition fees ng mga medical students sa mga SUCs.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">