Advertisers

Advertisers

Pagbigay ng sapat at madaling medical access para sa mga buntis, ipinanawagan sa gobyerno – AnaKalusugan Party-list

0 132

Advertisers

MARAPAT lamang na pag ibayuhin pa ng gobyerno upang matiyak ang pagbibigay nito ng madali at sapat na medical access na laan para sa mga pregnant Filipino women sa bansa.

Ito ay bilang reaksyon ni AnaKalusugan Party-List Rep. Ray T. Reyes kaugnay ng ulat na ipinalabas ng United Nations Population Fund (UNFPA) Philippines kung saan tinataya sa anim hanggang pitong Filipina ang nasasawi sa panahon ng kanilang pagbubuntis o panganganak bunga umano ng kakulangan para sa mabilis na pagkalinga at sapat na serbisyong medikal.

“Kailangang maglaan pa tayo ng mas maraming resources para masigurong may sapat at madaling access sa health services ang mga kababaihan sa kanilang pagdadalang-tao at panganganak,” ani AnaKalusugan Party-list Rep. Ray Reyes.

“During emergencies, when access to maternal health services is disrupted, more women die during pregnancy and childbirth. Women die because sexual and reproductive health services are unavailable, inaccessible, unaffordable, or of poor quality,” ito ay ayon naman kay UNFPA Country Representative Dr. Leila Saiji Joudane.

Ang pahayag ni Dr. Leila Saiji Joudane ay batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan mayroong 2,478 na mga kababaihan ang nasawi dahil sa maternal causes sa taong 2021. Nagsimula ang pagtaas sa bilang na 1,458 simula pa nuong 2019.

Ipinunto ng Rep. Reyes na mahalagang maihatid sa taongbayan ang lahat ng health services partikular na para sa mga residenteng naninirahan sa malalayong lugar.

“Dehado ang mga kababaihan sa mga geographically isolated and disadvantaged areas (GIDAs) dahil mas malaki ang kailangan nilang gastusin para makakuha ng health services,” giit ng mambabatas.

“Kaya mahalaga na inilalapit natin ang serbisyo sa kanila. Ito ang paulit-ulit na panawagan natin sa AnaKalusugan. We have to prioritize public health and help our people cope with the costs that health services entail,” dagdag ni Rep. Reyes.