Advertisers

Advertisers

May online sabong uli, pati basketball ending sa Facebook

0 127

Advertisers

NAPAPALUSUTAN parin ng online sabong at iba pang illegal gambling operators ang mga awtoridad partikukar Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Department of Information and Communications Technology (DICT).

Oo! Nitong Miyerkoles nagawa kong makapanood ng NBA Conference Finals sa isang link sa Facebook na gamexsports.com.ph. Dito ay naka-bandera ang kanilang GCash number para raw sa mga gusto mag-isponsor. Lumalabas ang pangalan ng mga nagpapadala sa GCash at kung magkano ang halaga ng pinadala. Maririnig din ang nasa likod nito na hinihikayat ang mga gusto magtaya sa NBA at PBA “ending” pati sa online sabong. “Sa mga gusto tumalpak may online sabong tayo, open nyo lang ang link,” sabi nito.

Ang online sabong, bago matapos ang termino sa pagka-presidente ni Rody Duterte noong 2016 ay kanya itong ipinatigil matapos ang pagkawala ng maraming sabungero sa Manila Arena, at pagbaha ng mga reklamo mula sa mga pamilya dahil sa pagkagumon sa online sabong ng kanilang kaanak.



Lalong pinagtibay ni President Bongbong Marcos Jr. ang pagpatigil sa online sabong sa pamamagitan ng isang Executive Order. Inatasan niya ang PNP, PAGCOR at DICT para hulihin at i-ban ang mga website ng online sabong at iba pang uri ng sugal online.

Sa kautusang ito ni PBBM, ilang buwan lang nawala ang online sabong at iba pang online gambling ng “ending”. Tapos heto na naman… balik operasyon sila, tinawag nang “Sabong Worldwide” na sa tingin ko ay sa tagong farm ginagawa. Oo. Lantaran na silang naghihikayat ng mananaya sa Facebook. At dedma na rito ang mga awtoridad. Anyare PNP, PAGCOR, DICT? Nagkaayusan na ba under the table?



***

Paalala sa mga tumatangkilik sa Sabong Worldwide: Iligal ito. Maari kayong takbuhan dito at wala kayong mahahabol. Hindi rin kayo puwede magreklamo sa mga awtoridad. Kayo ang huhulihin dahil tumaya kayo sa iligal. Mismo!



Kaya para hindi magoyo sa online sabong at iba pang uri ng sugal online, huwag itong tangkilikin. Iligil ito! Kung gusto nyong manalo ng milyones sa sugal, tumaya ng P20.00 sa PCSO Lotto. At para sa mga adik sa sabong, pumunta kayo sa traditional na sabungan kapag wala na kayong pasok sa trabaho, Sabado at Linggo. Okey?

***

Masama ang idudulot sa Metro Manila nitong mga reclamation project ng gobyerno.

Magiging sanhi ito ng mga grabeng pagbaha sa Kamaynilaan. Mismo! Ngayon pa nga lang, sa mga konting pag-ulan ay lumulubog na ang Metro Manila, how much more kapag binarahan na ang Manila Bay?

Nauso itong reclamation sa Manila Bay panahon ni late President Fidel Ramos. Yan na yung tinayuan ng Mall of Asia. Simula noon lumulubog ang Metro Manila kada ulan!