Advertisers

Advertisers

Batas laban sa agricultural smuggling bigong ipatupad – Sen. Villar

0 106

Advertisers

TINAWAG ni Senador Cynthia Villar ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 bilang “kabiguan” matapos na wala parin umanong nasasampolan ang naturang batas, pitong taon simula nang maging epektibo ito.

Sa isinagawang pagdinig ng Senado kaugnay sa panukalang pag-amyenda sa anti-agricultural smuggling law, inamin ni acting director ng legal service ng Bureau of Customs (BOC), William Belayo na walang convictions na naipataw sa ilalim ng batas.

“Seven years, walang miski isa man lang? Ang lakas talaga nila sa inyo, ‘di ba? Wala miski isang example? How can a law na walang example, di ba? ‘Di failure yung law, di ba?” pahayag ni Villar, isa sa mga may-akda ng batas sa Senado.



Ipinaliwanag naman ni Belayo, na mataas ang mga requirements para sa paghahain ng non-bailable cases sa ilalim ng econo-mic sabotage.

Dahil dito, iminungkahi ni Villar na kailangan magkaroon ng pagbabago upang makita ang mas maraming convictions.

“The intent is for them to go to jail pending hearing. Yun lang ang intention namin kasi kung mayaman ka and you go to jail, that is enough punishment kahit na hindi permanent, so you have to teach us how to document, embody it in the law, para magkaroon tayo ng economic sabotage,” diin ni Villar.

“That’s why we’re amending, because it’s a failure,” pagtatapos ng senadora. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">