Advertisers
NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang pitong pasahero ng lumubog na motorbanca sa karagatan ng White Island at Barangay Pag-asa sa San Jose, Occidental Mindoro.
Kinilala ang mga nailigtas na pasahero na sina Bryan Mark Verden, 18 anyos; Rolan Tadia, 16; Niko Vinloan, 18; Mark Gonzales, 15; Martin Jacob, 12; Erick Naldo, 21; at Arvin Padua, 25.
Sa ulat, galing sa Calintaan at patungo ng San Jose ang motorbanca nang hampasin ng malalaking alon. Pumasok ang tubig dagat dahilan para bahagyang lumubog ang motorbanca.
Nasa ligtas nang kalagayan ang mga pasahero, habang hinatak ang motorbanca sa baybayin ng Barangay Pag-asa. (Jocelyn Domenden)