Advertisers

Advertisers

Bebot kinotongan ‘rapist’ ng pamangkin, kulong

0 144

Advertisers

TIMBOG sa entrapment operation ang isang 39-anyos na babae nang kotongan ng P120,000 ang negosyante kapalit ng kanyang pananahimik sa panggagahasa umano nito sa kanyang pamangkin sa Imus City, Cavite.

Hindi na nakapalag si Liezl San Jose ng Pag-asa Subd., Bucandala, Imus City nang mabitag sa loob ng McDonald’s Food House sa Barangay Malagasang 1G 7:00 ng gabi ng Miyerkoles.

Sa ulat ni SSg. Jessie Villanueva ng Imus City Police, humingi ang suspek ng P120,000 sa negosyante kapalit ng pangakong hindi nila ito aasuntuhin ng ‘rape’ at hindi niya ito ililigwak sa kanyang asawa.



Nagkunwaring pumayag ang businessman, pero bago ito nagtungo sa lugar ay nagsumbong muna ito sa pulisya dahilan para maglatag ng operasyon laban kay San Jose.